Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lorna walang alam na ‘Darna’ ang ipapalit sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

0 177

NI: BETH GELENA

Matagal-tagal na ring naka-lock in taping si Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano. Nagso-shoot siya sa Ilocos Sur at sa panahong iyon, inamin ni LT nakabili na siya ng lupa sa nasabing lugar.

Wala naman daw siyang balak manirahan sa Ilocos. Pero ipinasok daw niya iyon sa time sharing ng resort para kahit paano ay mapagkakitaan niya.

Paliwanag ni LT, “’Yung parang puwede mo siyang parenta… kasi parang resort. Puwede mong ipaupa ‘yung unit mo. ”

Nag-aaral na rin daw siya ng Ilocano dialect dahil feeling daw niya ay isa na siyang Ilokana.

SM food to go Banner Ad

May kumuha rin daw sa kanya doon para mag-endorso ng isang partylist, pero wala raw siyang balak pasukin ang politika.

“Hindi talaga ako puwede sa politika. Showbiz ang aking talagang career,” sabi pa ng aktres.

Hindi alam ni LT kung kailan magi-ending ang kanilang aksyon-serye, pero marami raw sa characters ng AP ang tinatapos na.

Wala rin daw siyang alam kung ‘Darna: The Series’ ang ipapalit sa kanilang teleserye kapag nagtapos na ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.