Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Los Angeles mas mabangis : Crowder, James nag-wrestling

0 119

Nagkainitan sina Miami forward Jae Crowder at Los Angeles superstar LeBron James sa second quarter ng NBA Finals nitong Miyerkoles sa Orlando bubble.

Dalawang beses pang nag-abot ang dalawa.

Una, ni-wrestling ng Heat enforcer si LeBron habang nag-aagawan sa loose ball. Komento ni game commentator Jeff Van Gundy, “suplex” move ang ginawa ni Crowder – binalibag niya si James.

Sa isa pang eksena, pumito na ang referee at tigil na ang play nang ma-foul si LeBron habang pasagasa sa basket sa pagitan nina Crowder at Andre Iguodala. Mukhang hindi nagustuhan ni Crowder ang tawag, tinapik ang bola mula sa kamay ni James at muling nagsagutan ang dalawa. Agad pumagitna si Lakers big man Anthony Davis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasagsagan ‘yun ng arangkada ng Lakers para baliktarin ang 23-10 deficit tungo sa 65-48 lead sa halftime.

Nagtuloy ang Lakers para itakbo ang 116-98 win.

Tumapos si LeBron ng near triple-double na 25 points, 13 rebounds at 9 assists, may 34 markers, 9 boards at 5 dimes si Davis.

Nagsumite si Crowder ng 12 points pang-ayuda sa 23 ni Jimmy Butler sa Heat.

Game 2 bukas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.