Abante Tonite Interactive

Lote ng aktor nahaharap sa demanda

0 777

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na nahaharap ang isang sikat na aktor sa isang malaking legal battle? Ito’y dahil sa kanyang biniling lote na kanyang pinatayuan ng isang magandang rest house sa isang tourist destination na lugar. May iba umanong nagmamay-ari na may hawak din ng titulo na katulad niya.

Kung pagbabasehan ang kuwento ng aming source, isa umanong local government official ang tunay na owner ng lote. Nabili ito ng kilalang aktor sa ibang tao na nakapag-produce rin ng titulo ng property.

Dahil pinanghahawakan ng kilalang aktor ang titulo at deed of sale ng property, malaya niya itong napatayuan ng kanyang dream rest house. At kung kelan nagkaroon na ng bilihan at napatayuan na ng bahay ang lote ay saka naman umano lumutang ang tunay na nagmamay-ari ng property.

Kapag nagkataon, mananagot dito ang nagbenta ng lote sa kilalang aktor. At kung paano ito nakapag-produce ng titulo ng lupa.

Pero paano na lamang ang perang ibinayad ng aktor sa lote at gastos niya sa pagpapatayo ng kanyang rest house?

Nasa puwesto umano sa local government ang nagki-claim na siya ang tunay na may-ari ng lote na nabili ng kilalang aktor.

Ang masakit lang dito, milyones na ang pinakawalan ng pamosong aktor para lamang sa pag-acquire ng property at pagpapatayo ng rest house.

Director bagong karelasyon ni Alessandra

Hanggang ngayon ay tahimik lamang ang singer-actress turned writer-director-producer na si Alessandra de Rossi pagdating sa kanyang love life. Naging sila man dati ng singer-musician-actor na si Marc Abaya, wala ring narinig kay Alex hanggang sa sila’y magkahiwalay.

Ngayon ay nali-link ang aktres sa Kapuso in-house director na si Rico Gutierrez pero ayaw rin itong kumpirmahin ng dalaga.

Si Direk Rico ay may isang anak na lalaki sa actress-producer na si Harlene Bautista. Ito bale ang panganay na anak ni Harlene sa kanyang limang anak habang ang apat ay anak niya sa kanyang ex-husband, ang aktor na si Romnick Sarmenta.

Kung tahimik lamang si Alex sa kanilang pagkakaugnay ni Direk Rico, maging ang TV director ay ayaw ring magsalita.

Yosi, alak, droga tinalikuran ni Jodi

Sinabi ng 37-year-old Kapamilya actress-entrepreneur na si Jodi Sta. Maria na parati umanong kasama ang kanyang 14-year-old son na si Panfilo ‘Thirdy’ Lacson III sa kanyang mga desisyon. Pati na pagdating sa usaping pag-ibig.

Hindi ikinakaila ni Jodi na natuto umano siya sa iba’t ibang bisyo tulad ng paninigarilyo, alak at droga nang sila’y magkahiwalay ni Pampi Lacson. Pero ang lahat ng ito’y kanyang tinalikuran nang siya’y maging isang Christian sa tulong ng actress na si Coney Reyes. Magmula noon ay buong tapang niyang hinarap ang mga pagsubok sa kanyang buhay lalo’t may isa siyang anak na kailangan niyang alagaan. Binalikan din niya ang kanyang pag-aaral ng Psychology sa Southville International School and Colleges kung saan siya consistent Dean’s lister.

Si Jodi ay huling naugnay sa actor-politician na si Jolo Revilla pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang matagal na relasyon.