Abante Tonite Interactive

Lote nilagyan ng muhon ng kapitbahay

604

Dear Atty. Claire,
Good day po. May tanong po ako. Naka­bili ang tatay ko ng lupa 5 yrs ago.

May Deed of Sale at tax declaration. Yong katabi na­ming lupa nagpa-survey sila sa kanilang lupa kumuha sila ng private engineer. Tapos na-survey din nila ang aming lupa na walang permission sa amin. Dahil nga malayo ang aming bahay sa aming lupa kaya kasama sa lupa nila ang lupa namin na-survey din.

Tapos ang lupa namin nilagyan ng muhon. Tapos sinabi ng katabi naming lupa na sa kanya daw ang lupa namin. Hindi namin alam ano ang ginawa ng engineer, bakit napunta sa kanila ang lupa namin.

Abante Hiring – IT dep

Ano ang dapat na­ming gawin kasi hanggang ngayon hindi pa settle ang lupa namin may gusto umangkin nito. Sabi nila may title daw sila paano nangyari yon. Ano ang dapat naming gawin para hindi nila maagaw ang lupa namin? Sabi nila may titulo sila pero hindi pa namin ito nakita.

Nais ko sanang magpa-advice ano ang dapat kong gawin.
Salamat po,
Maricar

Ms. Maricar,
Kung kayo ay may dokumento na nagpapatunay na sa inyo ang lupang inaangkin na ngayon ng kapitbabay ninyo ay mas mainam na kayo ay kumuha rin ng isang geodetic engineer upang masukat ang lupa ninyo ayon sa tax declaration.

Mas makakabuti rin naman na malaman ninyo ang tunay na pwesto ng inyong lupa upang kung inyo itong gagamitin at pagtatayuan ng inyong bahay o anumang improvement ay hindi kayo magkamali.

Kapag napatunayan naman ng surveyor na sa inyo talaga ang lupa na inyong kinikilala na sa inyo. Sa ngayon ay mahihirapan naman nilang angkinin ito lalo pa at kumpleto naman kayo sa dokumento. Siguraduhin lang na palaging bayaran ang amilyar ng lupa taon-taon upang maiwasan na ito ay mapasubasta ng lokal na pamahalaan.

Kung kayo ay may tax declaration at taon-taon naman na binabayaran ito ay mahihirapan ang sinuman na magpatitulo nito dahil hindi nila mapapatunayan ang possession ng lupa dahil hindi sila nagbabayad ng amilyar kundi kayo.

Ang pagkakaroon ng tax declaration ay patunay na ang nakarehistrong possessor ay siyang may karapatan na magpatitulo nito.

Magpaimbestiga at suriin ang mga nagaganap dahil marami sa ngayon ang sanay na mameke at maglakad ng huwad na mga dokumento upang magkatitulo lamang.

Kung may katungan pa ay tumawag lamang sa 5142143, 4107624 o 9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.