Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lotlot inokray kay Nora

0 133

NI: ARCHIE LIAO

Nababatikos ngayon ang anak ng Nora Aunor na si Lotlot de Leon.

Ito ay kaugnay ng pagpo-post niya ng black-and-white photo nila ng Superstar noong bata pa siya sa kanyang Instagram account.

Walang caption ang naturang post maliban sa black heart at dizzy emojis.

May espekulasyon kasing bati na ang mag-ina kaya nagawang mag-post nito ng larawan nilang dalawa.

Pero, ayon sa pahayag nito, mali ang mga haka-hakang nagkasundo na sila ng estranged adoptive mother.

Paliwanag niya, nami-miss lang daw niya si Nora kaya siya nag-post ng naturang picture.

Medyo, hindi nasakyan ng netizens ang kanyang pahayag pati na ang mga die hard fans ni Nora Aunor.

Nalalabuan kasi sila sa pahayag ng magaling na aktres dahil bakit mega post daw ito ng photo nila ng Superstar and yet, may sama ng loob pa rin ito sa nakilalang ina.

Hirit tuloy ng netizens, tila hindi pa rin nag-grow up umano ang aktres dahil hanggang ngayong panahon ng pandemya ay hindi pa rin ito gumagawa raw ng paraang magkabati silang mag-ina.

Ayon sa Noranians, ngayong may bagong asawa na ito sa katauhan ng Lebanese partner na si Fadi El Soury, ini-expect nilang mas lumawak na ang pananaw nito. Dapat daw ay naging mas humble ito at tinapos na ang panahon ng pagtatampo sa ina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.