Abante Tonite Interactive

Lotlot, rampadora sa Houston filmfest

By
7

Lotlot De Leon at mga kapatidNASA Texas ngayon si Lotlot de Leon dahil in competition ang indie film niyang 1st Sem sa Houston Int’l Film Festival.

Nu’ng April 26 ang unang screening doon ng pelikula, kasabay ng showing nito sa mga sinehan sa ‘Pinas.

Espesyal kay Balot ang 1st Sem dahil ito ang nagbigay sa kanya ng first international award niya.

Abante Hiring – IT dep

Puro technical awards ang binibigay sa All Lights India International Film Festival sa Hyderabad, India, pero nagulat si Balot na nu’ng nasa stage na sila para tanggapin ang Best Picture award ng 1st Sem ay biglang in-announce na nagdesisyon ang jury na pagkalooban siya ng Best Actress award.

Bago lumipad pa-Amerika ay kumpleto ang mga kapatid ni Lotlot sa premiere night ng pelikula para suportahan siya.

Touched ang aktres sa pagdating nina Ian, Matet, Kiko at Kenneth de Leon.
Ang madir nilang si Nora Aunor lang ang kulang.

April 29 ang awards night ng 50th Worldfest Houston. Magsa-sidetrip si Balot sa Florida ng April 30 para puntahan ang kanyang American father.

Bale 2 days lang siya roon dahil 10 days lang ang paalam niya at kailangan niyang bumalik sa taping ng Destined To Be Yours.

Sa Korea ang next filmfest na rarampahan ng movie ni Balot, na bongga ang career ngayon.

Nanay siya ni Alden Richards sa DTBY at sa KathNiel movie na Can’t Help Falling in Love ay nanay naman siya ni Daniel Padilla.