Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lotto draw tigil sa ECQ

0 309

Pansamantalang mahihinto ang bentahan ng tiket at bolahan sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pahayag ng ahensya, inanunsyo na mula Marso 29 hanggang 31 ay suspendido muna ang operasyon ng lotto at digit games habang hinihintay kung maaprubahan ang kahilingan ng PCSO na makapagsagawa ng lotto draw sa kanilang main office sa Mandaluyong.

Ang small town lottery (STL) at Keno, maging ang pagbebenta ng instant sweepstakes ay mananatili sa mga lugar na hindi kasama sa enhanced community quarantine (ECQ).

Bukod pa rito, tigil din ang operasyon ng PCSO mula Abril 1 hanggang 4 upang bigyang-daan ang pag-obserba sa Mahal na Araw.

“Furthermore, we wish to inform the public that all PCSO gaming operations shall be suspended nationwide from April 1-4, 2021 in observance of the Lenten Season except for our small town lottery, in areas with approved request to conduct selling and draw activities,” ayon sa pahayag ng PCSO.

Leave A Reply

Your email address will not be published.