Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Louie kalmado sa pagkasibak

0 74

COOL pa rin si Louie Alas nang magbigay ng pahayag hinggil sa pagkakasibak niya bilang head coach ng Phoenix Supe LPG Fuel Masters.

Walang bakas ng sama ng loob o hinanakit sa statement ni Alas na inilabas kahapon.

“Coaching the Phoenix Fuel Masters the past three years has been a great honor and privilege to me, and I thank the entire management, headed by Boss Dennis A. Uy for giving me all the support during my tenure,” panimula ng pahayag.

Dumating sa Phoenix si Alas noong 2017, sa susunod na buwan ay matatapos na sana ang kanyang kontrata.

“I have great respect for all the players I have coached, and I also want to thank all the coaches I have worked with – who poured out their hearts and their efforts to the goal we envisioned to attain.”

Top seed pagkatapos ng eliminations noong 2019 Philippine Cup ang Phoenix pero nasipa sa San Miguel Beer 4-1 sa semis.

Nang mapatawan ng indefinite suspension si Calvin Abueva ng June, napagsarhan ang Fuel Masters sa playoffs ng Commissioner’s Cup nang patalsikin ng Alaska sa battle-for-eighth. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.