Abante Tonite Interactive

Louise effortless magpainit

600

Tuluyan na ngang tinanggap ni Louise Delos Reyes ang body frame niya. Dati’y ayaw na ayaw niyang ipasilip ito nang buong-buo sa madla.

Dati, madalang pa sa patak ng ulan kung mag-post si Louise ng kanyang bikini shot sa Instagram. Nag-aalala siya na baka kuyugin siya ng pamimintas ng mga basher.

Pero dahil naiimpluwensyahan rin siya ng kanyang non-showbiz boyfriend na nagsasabing maging proud sa kung ano meron siya, natuto nang palakasin ng aktres ang kumpiyansa niya sa sarili.

Kung tutuusin, walang mali sa body frame ni Louise. Hindi siya mataba at lalong hindi naman naglalabasan ang kanyang love handles.

Ang kaseksihan ni Louise ay tinatawag na “voluptuous” o sa salitang ginagamit ng Pinoy ay “malaman.”

Mas maraming naielya sa mga babaeng may laman kaysa mga payat na halos buto’t balat na lang. Masarap siyang panggigilan.

Ayaw rin ng ibang kalalakihan na mas macho pa sa kanila ang babae, dahil sa muscles at abs nito sa katawan.

Saktong-sakto lang ang kaseksihan ni Louise na masarap panggigilan dahil maraming mahihipo sa kanyang pigura.

Dapat kainggitan si Louise ng mga figure-conscious women na pinapagod at pinapatay ang sarili sa pagwu-workout, ma-achieve lang ang slim figure nila.

Si Louise, hindi nito kailangang magbabad sa gym o gutumin ang sarili para lang maging kaaya-aya sa paningin ng lahat.

Saka, bagay sa pangangatawan ni Louise ang kanyang sweet face, na kahit tumaba pa siya nang konti, magmumukha pa siyang young and innocent looking. (Rey Pumaloy)