Abante Tonite Interactive

Louise live-in na sa dyowa

905

Inamin ni Louise delos Reyes na one year na siyang nakikipag-live in sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“Siguro kasi, naiwan na rin ako du’n sa choice dahil wala na rin akong magulang, may kanya-kanya nang family ‘yung mga kapatid ko. So ‘yun,” pahayag ni Louise sa presscon kahapon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Bakit List”.

Dagdag pa niya, “saka, mas less gastos,” sabay-tawa. “Noong nabubuhay akong mag-isa, solo ko ‘yung rent, solo ko ‘yung grocery. Ngayon may ka-share ako. Win-win.”

Hindi lang naman daw silang dalawa ng boyfriend ang magkasama sa bahay kundi may dalawa pa siyang friends na nakatira rin sa bahay niya kaya sama-sama silang apat.

Para kay Louise, mas okay daw ang ganitong set-up for them at mas nagwo-work.

“Actually, kaya siguro kami hindi masyadong nag-aaway, kasi mas tantiya namin ‘yung isa’t isa. Parang alam ko siya pagkagising na pagkagising sa umaga. Alam ko siya bago matulog.

“Lahat ng problema niya, naririnig ko. Saka alam ko kung saan siya pumupunta, alam niya kung saan ako pumupunta. So, ‘yun, parang mas nagiging less ‘yung argument.

“And parang pretensions kasi walang room for that, I think.”

Two years na ang relasyon nina Louise at architect boyfriend niya na businessman din dahil may-ari rin ito ng dalawang bars. Kahit nagli-live in na sila ay wala pa naman daw sa plano nila ang magpakasal. Although kung siya raw ang tatanungin, gusto niya ay si boyfie na talaga ang kanyang mapangasawa.

At lalong wala pa raw plano nila ang magkaroon ng baby dahil ang talaga raw laging bilin ng kanyang namayapang ina, kasal muna bago baby.

What if aksidente siyang mabuntis?

“I think kasi, mas nalo-lower ‘yung chance na mas maging gigil kayo sa isa’t isa dahil magkasama na kayo. Siguro, ang mas prone kami, kapag maaga nagsawa ‘yung kung sino man sa amin, but I don’t see myself being that or I don’t see him din naman,” she said.

Ano naman ang masasabi niya sa mga netizen na conservative at puwede siyang i-bash sa kanyang pakikipag-live in?

“Guys, magtu-2020 na,” natatawang sagot ni Louise na obviously ay ginaya ang sagot noon ni Nadine Lustre regarding living-in with James Reid also.

Seriously, she said, “sa mga basher, wala akong masasabi, eh. Kasi, nasa day and age na tayo na kahit ano ang sabihin n’yo, may masasabi pa rin sa ‘yo.”

Bukod dito, 27 na rin naman si Louise at nasa tamang edad na rin naman talaga to live her own life.

Samantala, showing na sa Dec. 11 ang “Bakit List” at kasama ni Louise sa movie sina Ivan Padilla at Prince Stefan mula sa direksyon ni Bona Fajardo.