Abante Tonite Interactive

Love nag-isip bata

395

Inamin ni Kevin Love na childish siya, dapat ­aniya ay pinag-isipan niya muna ang mga binitawang salita at aksiyon sa mga kakampi sa Cleveland Cavaliers.

“I wasn’t acting like a 31-year-old. I was acting like a 13-year-old,” aniya. “That was not me.”

Sa unang pagkakataon, nagsalita ang Cavaliers forward nitong Martes tapos magmaktol sa bench nang dumayo sila sa Toronto noong isang linggo. Nang matalo sa Oklahoma City nitong Sabado, may sumpong na naman siya.

Ilang beses napataas ang kamay ni Love habang nasa court, dismayado sa inilalaro ng mga kakampi.

Sa galit, isang napakalakas na pasa pa ang ibinato. Dumidepensa ang Cavs, bigla siyang tumalikod at hinayaang sumagasa sa basket ang isang Thunder player.

Bago ang laro, nakipagsagutan pa siya kay general manager Koby Altman. (Vladi Eduarte)