Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Love sa AsPin

0 129

Viral sa social media ang post ng isang veterinarian tungkol sa libreng checkup sa mga alagang aso rito sa bayan ng Tanza, lalawigan ng Cavite.

Kaya ang mga certified dog lover dito, sumugod sa free consultation. Sagot ng isang veterinary clinic ang checkup ng alaga mong aso.

Ang nasa likod ng promong ito, ang practice owner na si Doc Lyra Ibong-Dorongon.

Pasasalamat daw niya ito sa mainit na pagtanggap ng mga Tanzeño sa kanyang veterinary clinic. Napansin din daw niyang maraming dog lover sa bayan kaya naisip niyang magpa-promo ng free consultation.

Ayon kay Doc Lyra, “Nagbibigay po tayo ng free consultation para sa mga aspin ng mga taga-Tanza para po at least makatulong tayo kahit papaano sa kanila. Ma-guide sila kung paano nila mapapanatiling healthy ang kanilang mga alaga.”

Ang madalas daw na itanong tungkol sa kanilang alagang aspin ay kung ano ang dapat ipainom na vitamins at iturok na vaccines.

Nitong mga nagdaang buwan, maraming kaso ng dog bites ang naitala ng Rural Health Unit. Katunayan, may araw raw na umabot sa mahigit pitumpu ang nakagat ng aso at iba pang uri ng hayop.

SM food to go Banner Ad

Sa kasaysayan, tumataas daw talaga ang bilang ng mga nakakagat ng aso at iba pang hayop tuwing summer season kung kailan mainit ang panahon. Tuwing tag-init, iritable raw ang mga hayop. Madali silang mainis at maasar kaya madalas nakakakagat ng tao.

Kaya importanteng nabakunahan ng anti-rabies vaccine ang mga alagang hayop gaya ng aso. Kaya ang hakbang na ito ni Doc Lyra, talaga namang napapanahon.

Labis ang saya ni Doc Lyra dahil sa simpleng pamamaraan daw kasi ng libreng checkup, naiiwasan din ng mga pet owner na mag-rely sa mga sabi-sabi o social media.

Kuwento ni Doc, “Di sila marunong magsalita, hindi nila masasabi ‘yung nararamdaman nila or kung may masakit man sa kanila. So by providing free consultation, mas marami pong owners ang makakapagpa-checkup at hindi magre-rely sa sabi-sabi sa social media or sa google.”

Valid ang promo na ito hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo. Para sa mga nais mag-avail nito, kailangan lang magpakita ng proof of residency at magpa-schedule ng appointment.

Tandaan, importanteng maturukan ang alagang hayop para maiwasang makapahamak ito ng ibang tao. (with reports from Jhezzarie Doneza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.