Abante Tonite Interactive

Love story ni Angara swak sa Valentine’s Day

By
0 183

Kakaiba ang love story nina Sonny at Tootsy Angara. Kung palasak ang “Love at First Sight,” ang pag-iibigan nila ay “Love at Second Sight!”

Muling itinampok nu’ng Sabado ang makulay na buhay pag-ibig nina Sonny at Tootsy sa GMA News TV para sa Valentine’s Day special ng “Wagas.”

Tweet ni sonnyangara, “Salamat sa @gmanetwork for showing our love story on Wagas 🙏🏽🙏🏽❤️❤️ tamangtama sa ❤️ day #valentines#lovestory #wagas #loveatsecondsight”

Muling binalik-tanaw kung paano sila tinamaan ng pana ni Kupido sa ikalawang pagkikita nila.
Ipinakita ang pagiging masigasig ni Sonny na makuha ang kamay ng dalaga mula sa mahigpit at istrikto nitong pamilya.
Limang taon matapos nilang makapag-aral ay nagka-isang ­dibdib na sila. Si Tootsy ang na­ging sandalan ni Sonny lalo na nang pasukin nito ang politika.

Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ng mag-asawa nang ma-diagnose si Tootsy na may brain ­tumor. Sa tulong ng asawa na nagpalakas ng loob niya at ng kanilang pananalig sa Diyos ay nalagpasan nila ang pagsubok sa buhay nila.
Sa ngayon ay 15 taon na ang pagmamahalan nila. ­Nananatiling matatag at buo sa ikalawang buhay na ipinagkaloob kay Tootsy.