Abante Tonite Interactive

Sarah-Matteo wedding hirit ni Martin

0 954

Love was definitely in the air kahapon bilang Hearts Day.

Nag-trending sa Twitter PH ang AshMatt dahil sa tamis-tamisang post ni Matteo Guidicelli para sa kanyang fiancée na si Sarah Geronimo.

Ang daming kinilig sa AshMatt, kabilang na si Martin Nievera na napa-comment ng, “Get married na!”

Ayaw naman pakabog sa kaswitan si Enrique Gil, na may dose-dosenang red and blue roses para sa kanyang love na si Liza Soberano.

May taping ang LizQuen kaya dinala mismo ni Quen ang pa-flowers niya sa tent ni Liza.

Habang kinukunan sila ng video at picture sa loob ng tent ay may nag-comment ng, “Proposal na ‘to?”

Nakangiting reaksyon ni Liza, “Tapos, dito siya luluhod?”

“Hindi, grabe,” natatawang sey ni Quen.

Pinost din ito ni Liza, na ang caption ay, “Everday is Valentine’s day with you”.

Si Regine Velasquez ay pagkalalaking yellow Ecuadorian roses ang natanggap mula sa kanyang mahal na si Ogie Alcasid.

Beautiful flowers din ang binigay kay Anne Curtis ng hubby niyang si Erwan Heussaff, na hiniritan niyang bigyan siya ng pregnancy massage.

Sarap na sarap kasi ang malapit nang manganak na si Anne nang magpa-massage siya at sana raw ay marunong ng ganu’n ang mister niya.

Aniya, dapat ay nag-aaral ng pregnancy massages ang mga mister para ‘pag may naramdamang sakit ang asawang buntis ay puwede nitong masahehin.

Ang witty answer dito ni Erwan ay, “I firmly believe that if someone is better than me at something, they should be doing it, not me”.

Si JK Labajo ay naka-mask na picture nila ng girlfie niyang si Maureen Wroblewitz habang nasa loob ng eroplano ang napiling i-post.

“Ang pogi ng date mo sa Valentine’s Day, @mauwrob,” ang caption dito ni JK, na kapiling ang sexy GF na si Maureen sa isang resort.

Kahit nasa Japan si Vice Ganda ay meron itong V-Day post dahil nakapag-advance Valentine celebration na sila ng boyfie na si Ion Perez sa Amanpulo.

Si Derek Ramsay ay may pa-Valentine’s surprise sa nobyang si Andrea Torres.

Touched na touched si Andrea sa paandar ni Derek lalo pa’t bago ang surprise ay medyo nagkatampuhan sila, na pakana lang pala ng aktor.

Naiyak si Andrea sa pasorpresa ni Derek, na ang part 2 ng vlog ay pinalabas kahapon sa YouTube channel ng AndRek.

Si Barbie Forteza ay nilutuan ng paborito niyang spicy adobo ng nobyong si Jak Roberto, na in fairness ay mahilig sa surprise.

Ang sweet ni Jak dahil ito pa raw ang namalengke nang maaga at saka pumunta kina Barbie para lutuin ang adobo. Kaya naman mahal na mahal ito ni Barbie.

PAK!!

Marco, Katrina, Barbie nganga

Kung maraming showbiz couples na masaya ang Valentine’s, meron ding mga solo flight dahil walang dyowa.

Si Katrina Halili ay ang daughter niyang si Katie ang ka-Valentine’s. May ginawang V-Day card na may sweet dedication si bagets para sa kanyang mommy na loveless.

Swimsuit pic na mag-isa siya sa pool ang pinost na pic ni Katrina habang bumabati ng, “Happy Valentine’s Day.” Si Mark Bautista na single din ay solo pic ang pinost, na ang caption niya ay, “Love thy self.”

Gaya ni Mark ay topless din ang pinost na pic ni Marco Gumabao, na may pa-cute na tanong na, “Will you be my Valentine?”

Ang patay-malisyang tweet naman ni Barbie Imperial nu’ng February 13 ay, “Ano meron bukas?”