Abante Tonite Interactive

LOVELESS ka, walang ka-Valentine? Basahin mo ito!

By
271

Wala kang Valentine date? E ano ngayon, big deal ba iyon?

Hindi naman kasi porke’t Valentine’s Day, obligadong may ka-Valen­tino ka, may ka-date, o may chocolates at roses.

Unang-una, may mga taong ‘choice’ nila at happy sila sa pagi­ging single. Sa mga LDR, (long-distance relationship), ay ‘di rin naman mahirap ang maghintay. Pero para sa mga NBSB (no boyfriend since birth) broken-hearted at bitter, ‘wag nang gawing­ issue pa kung wala mang kapareha ngayon dahil puwede ka pa rin namang maging masaya.

Pagbigyan mo na muna ang mga negos­yanteng kumita. Isipin mo na lang na ang Valen­tine’s Day sa mata ng komersyalismo ay pera. Ngayon ang pagkakataon nilang bumenta mula sa iba’t ibang klase ng tsokolate, bulaklak. Sa mga romantiko ay patok ang mga park, sinehan at mot-mot (motel). Sa mga yayamanin ay nariyan naman ang mga high end restaurants, hotel, mamahaling ticket sa concerts. Sa mga purdoy o walang pera – Luneta lang, balut, lobo at condom ay ayos na.

Para naman sa mga loveless, huwag piliting makipag-date para masabi lang na ‘di ka zero sa Araw ng mga Puso. Huwag kang ganun, bawal ang “show off.” Magpaka­totoo ka.

Isang araw lang na dadaan ‘yan kaya itulog mo na lang.

Alalahanin mo na lang na kapag wala kang dyowa:

Wala kang ka-LQ o kakontra sa mga lakad at gusto mong gawin. ‘Di hati ang oras mo sa pamilya, BFF at barkada. Maaga kang makakatulog dahil wala ka nang ka-text. Laging busog at paldo ang pitaka. Mas mahal mo ang sarili mo at hawak ang oras mo – puwede kang magpa-spa, rebond o basketball – bar. Wala ring magdi-demand or magpapapili sa iyo ng ‘mobile le­gends’ o ‘ako!?’
Sa madaling-salita – malayang-malaya. Sa’n ka pa!