Abante Tonite Interactive

Lovelife ng isang OFW

By
472

Narito ang isang liham na ipinadala sa programang Radyo OFW kaugnay sa kuwentong love life ng isang OFW sa Hong Kong.

Dear Hannah and Gumamela,

Hindi po pala madali maging OFW sobrang nakakalungkot lalo kung wala kang makausap. Mabuti na lang may program po kayo na kahit papano parang nasa ‘Pinas na rin ako.

First time ko po kasing mag-abroad at mag-2 years pa lang ako dito. Grabe po ang homesick nakakatulong din ‘yung mag-Day-off at makakita ng kapwa Pinoy.

Hanggang sa isang araw ‘di ko inakala na makikita ko ‘yung ex ko na halos mag-3years na rin kaming hiwalay, wala akong naging balita sa kanya after ng break-up namin kasi LDR (long distance relationship) din kami sa ‘Pinas nasa Maynila ako at siya naman sa probinsya.

Nagkausap kami at para bang ‘yung feeling namin sa isa’t isa naibalik hanggang sa tuwing off namin nangkikita kami.

Masaya po kami parang naging mas masaya pa sa dati pero isang araw sa ‘di inaasahan may nabuo po sa pagmamahalan namin.

‘Di ko alam kung ano ang gagawin at pinagtapat ko sa kanya na buntis ako, tinanong ko siya kung ano plano namin.

Pananagutan niya naman daw ‘yung bata at gusto niya akong pauwiin sa ‘Pinas habang ‘di pa halata y’ung tiyan ko.

Hanggang sa isang araw may nagsabi sakin na may pamilya na daw ‘yung bf ko sa ‘Pinas pero tinatanong ko naman sya wala daw at sinisiraan lang daw siya… nararamdaman ko din na parang iba na sya, wala ng time at minsan naman maiinitin ang ulo.

Ano po ba ang dapat kong gawin maniniwala ba ko sa sinasabi ng ibang tao at mag-move on o magho-hold-on ako kung ano man ‘yung mga naipangako niya sa akin?

Sana po mabigyan niyo ng pansin itong message ko para kahit papano malinawan ang pag-iisip ko. Natatakot din akong ipaalam sa mga magulang ko at gulong-gulo ang isip ko. Maraming salamat.

Jennifer
Hong Kong

Hi Jennifer,

Salamat sa pagpapadala sa inbox ng letter mo. Una, alamin mo talaga kung single or married ang bf mo. Maari kang magtanong sa mga kaibigan o kaya kamag-anak niya.

Puwede mo rin tingnan ang CENOMAR online, kailangan mo lang makuha ang totoong name ng magulang niya dahil iyan ang kailangan na info sa pagkuha nito.

Pangalawa, alagaan mo ang iyong sarili at ang nasa sinapupunan mo. Isipin mo kung stress ka lagi, affected din si Baby. Mag-focus ka muna sa pagbubuntis mo.

Pangatlo, kung nakikita mo na ang mga sign na nagbago na siya kagaya ng pagiging mainitin ang ulo, hindi ka na niya kinukumusta, pagkikita na hindi na nangyayari, madalang ka na niya bisitahin o pakiramdam mo nawalan na ng gana saiyo, mag-isip-isip ka na.

Ang lalaki kapag magkakaroon ng Baby excited ‘yan, nasa priority list kayo ng magiging anak ninyo kaya kung may mga red flag, learn to detach yourself para maka-move on ka nang maayos. Learn to listen to your instinct or inner voice kasi thats the voice of God.

Pang-apat, hindi mo maitatago ang iyong pagbubuntis forever, mas mainam na may support ka na manggagaling sa iyong pamilya. Mainam siguro na umuwi ka muna para makapagpahinga.

Hinahangaan ka namin sa iyong katatagan, na sa kabila ng iyong pinagdaraanan hindi mo naisip na ipalaglag ang bata. Malalampasan mo rin ang lahat ng ito.

Cheers!
Team Radyo OFW

“Don’t cry when the sun is gone because the tears won’t let you see the stars.” — Violeta Para

***

Makinig sa ‘Radyo OFW’ 8:00-10:00pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/RadyoOFW Email: radyoofw@gmail.com