Abante Tonite Interactive

Lovely bagay sa virgin role

711

Kaakit-akit si Lovely Abella sa kanyang pagtatangka na pasingawin ang kanyang kaseksihan.

Kung tutuusin, may laban ang kanyang alindog. Bagama’t nakilalang wholesome ang kanyang image, parang ayaw pang itodo ni Lovely ang kanyang pagbuyangyang sa socmed.

Pero ang one piece photo niya sa Instagram ay sapat na para pamulahin nito ang mukha ng kanyang mga barako fan.

Kung sasabak lang sa isang daring genre movie si Lovely, lulusot siya at posibleng maging big star.

Taglay niya ang innocent looking face at tamang pigura para pumasa sa mga donselya role o tinatawag na virgin role.

Pero siyempre, kahit nagsi-sexy si Lovely sa showbiz, nandu’n pa rin ang hinhin sa kanyang katawan.

Isa pa, engaged na rin ito sa kanyang dyowa kaya naman malabong lumusong pa sa hubaran. (Rey Pumaloy)