Abante Tonite Interactive

Lovely excited sa indecent proposal

By
3,174

Cover ngayong April i­ssue sa FHM si Lovely Abella. Si Lovely ay napapanood sa Sunday pinasaya at Bubble Gang. Dati siyang dancer sa show ni Willie Revillame na naging co-host ng ‘Wowowillie’ ng TV 5.

Grabe ang payanig niya sa FHM pero sabi niya right ariola muna ang pinasilip niya para hindi maumay ang mga kalalakihan. Natira pa raw ang kaliwa.

Tinanong siya kung ready na ba siya sa indecent proposal dahil nakakapag-init ang mga sexy photos niya. Paano niya ito iha-handle?

“Hindi ko nga po alam,eh. Gusto ko sana na may mag-offer sa akin ng ganoon pero wala po talaga,” tugon niya na tumatawa.

“‘Yung kahit man lang may mag-me­ssage sa akin na kapalit ay house and lot, wala po talaga,” sey pa niya.

Paano kung meron?

“Kung meron po, pag-iisipan ko po.. charoot,” nagbibiro niyang sagot.

“‘Yung indecent proposal, hindi po ‘yun ang nilo-look forward ko kasi ang alam ko talaga, nang dahil sa trabaho ko magkakaroon ako ng gusto ko at kung ano ang gustong mara­ting. Kung anuman ‘yung gusto ko na magkakaroon ako dahil sa paghihirap ko, hindi dahil sa proposal na ibinibigay sa akin. Alam ko paunti-unti magkakaroon ako ng bahay na galing sa paghihirap ko at hindi bigay lang,” seryoso niyang pahayag.

Kinunan din ng reaksyon si Lovely na level up na ang career niya nga­yon kumpara kina Luning­ning, Milagring, Mariposa at Congrats.

“Ang feeling ko masaya kasi may kanya-kanyang career na kami ngayon. ‘Yung iba po may-ari na ng dance studio, maganda na rin ‘yung ibang career nila. Masaya lang talaga ako na pinush ko at dumiretso ako. Hindi talaga ako kuma­nan o kumaliwa. Kung ano talaga ‘yung gusto ko, ‘yun talaga ng inabot ko, masaya ako sa naging result,” bulalas niya.

Talbog!

Christian plantsado ang detalye ng kasal sa October

End of the year ang kasal ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa kanyang fiancée na si Kat Ramnani. Hindi pa siya makapagbigay ng buong detalye dahil mga October pa raw ito mapaplantsa lahat.

Basta nag-i-start na sila ng plano sa kasal at nakipag-usap na rin sila sa designer para sa damit na isusuot.

Nilinaw rin ni Christian na hindi niya last concert ang April 14 sa CSI Stadia sa Dagupan para sa 3 Stars, 1 Heart na kung saan ay kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

“Marami pa, meron pa kaming Dubai. Kailangang magtrabaho pa kasi mahal ang kasal,” pakli niya.

Ang 3 Stars, 1 Heart ay gaganapin din sa Dubai sa June 16. Nauna na itong ginawa sa Cebu City.

Anyway, sa April 14 ay sasabay ang concert nina Regine, Julie Anne at Christian sa pagdiriwang ng Bangus Festival sa Dagupan handog ng GMA Entertainment Content Group at GMA Regional TV.

Pak!