Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lover nagselos: Dyowa, drayber kinatay

0 112

Nasawi ang isang tricycle driver matapos saksakin ng lalaking nagselos sa kanya sa Barangay Castillo, Padre Garcia, Batangas, Martes ng gabi.

Pinatay din ng suspek sa saksak ang kanyang live-in partner na hinihinala niyang may lihim na relasyon sa driver.

Kinilala ang suspek na si Freddie Villegas, 43-anyos, at ang mga nasawi na sina Victorino Gonzales, residente ng Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon at ang ka-live in ng suspek na si Carmen Coldas, 42, residente ng Barangay Castillo.

Batay sa ulat ng Padre Garcia Police, bigla na lamang sinaksak ng suspek si Gonzales, alas-9:10 ng gabi, habang ito ay nasa likod ng isang bahay. Tinangkang awatin ni Coldas ang mister subalit siya naman ang pinagsasaksak sa hita.

Kapwa isinugod ang dalawa sa ospital subalit parehong idineklarang dead on arrival ng doktor. Tumakas naman ang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.