Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi bet magdirek

0 98

NI: VINIA VIVAR

Aminado si Lovi Poe na pangarap niyang sundan ang yapak ng kanyang yumaong amang si ‘Da King’ Fernando Poe, Jr.

As we all know ay hindi lang aktor kundi screenwriter at direktor din ng sariling pelikula noong nabubuhay ito.

Actually, nagawa na nga ni Lovi ang unang hakbang sa kanyang pangarap dahil ang latest project niya sa Regal Films na “Seasons, Reasons and a Lifetime” ay ideya at concept niya mismo.

In the future, gusto rin daw niyang makapag-direk ng pelikula.

“I hope. That’s something na of course, isang pangarap na sana magawa ko in the future. Although I’ll be honest, I’m on the writing side, but siyempre, I believe that writers has a vision din,” ani Lovi nang makapanayam siya ng entertainment press last Friday matapos siyang pumirma ng panibagong movie contract sa Regal Films.

“Siyempre, it goes hand in hand, and hopefully, I’d be given the chance to take that direction, of course. Pero right now, I wanna really build and start from my story concept to writing my own story, and then, let’s see in the future. Hopefully. That’s something I really want to do,” she added.

Natapos nang gawin ni Lovi ang nasabing pelikula kung saan ay first time niyang nakatrabaho si Carlo Aquino. Kinunan ang buong film sa Ilocos at super-excited na nga ang aktres na maipalabas ito.

Samantala, nagbabalik sa Regal Films si Lovi as she signed a new movie contract with the production outfit na siyang unang-una raw nagtiwala sa kanya when she was 14 years old.

“It’s like I’m going back to my roots because Regal Films was the first company that ever gave me a movie contract,” she said.

Sa naturang contract signing ay present din si Miss Roselle Monteverde of Regal Films at ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.