Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi ‘bibida’ sa Kapamilya

0 592

Matindi ang alingasngas sa pago-ober da bakod ni Lovi Poe.

Siya na ba ang bibida sa ‘Doctor Foster’? Gaganap ba siyang Kate Parks o Yeo Da-Kyung?

Totoo bang tatapusin muna ni Lovi ang kanyang serye sa Kapuso na ‘Owe My Love’ bago ianunsyo ang paglipat niya?

Anyway, sunud-sunod na ang mga sikretong nabubunyag at nakaraang nauungkat sa hit rom-com series na ‘Owe My Love’.

Tila lumalala na ang dementia ni Lolo Badong (Leo Martinez) kaya’t hindi na niya makilala si Sensen (Lovi Poe) bilang asawa ni Doc Migs (Benjamin Alves). Sa halip, aakalain niyang si Trixie (Winwyn Marquez) ang kabiyak ng kaniyang apo.

Bagamat masama ang loob ni Sensen na nakalimutan na siya ni Lolo Badong, mababaling naman ang atensyon niya sa kasintahang si Doc Kenneth (Rocco Nacino). (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.