Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi, Carlo walang sapawan

0 146

NI: ROLDAN CASTRO

Pumirma ulit si Lovi Poe ng exclusive contract sa Regal Entertainment kamakailan. Binabalikan ng aktres ang naturang production dahil ito ang unang nagtiwala sa kanya.

Taong 2007 nang isama siya sa pelikulang “Shake, Rattle & Roll 9”. Dito siya nanalo ng New Movie Actress of the Year ng PMPC para sa Star Awards for Movies 2008.

Meron siyang natapos ngayon na pelikula sa Regal titled ‘Season, Reasons And a Lifetime.” Siya ang may konsepto ng istorya nito.Katambal din niya si Carlo Aquino.

Kumusta si Carlo na leading man?

“Ang sarap niyang katrabaho kasi ang sarap din niyang kaeksena. Hindi ko na kailangang i-motivate ang sarili ko. Lahat ng kailangan ko ay nasa kanya, na kailangan kong hugutin,” sey ni Lovi.

“Lumaki akong nanonood ng ano…ng Gmik,” dagdag pa ng ambassador ng Bench.

Na-intimidate daw si Lovi nu’ng una. Hiyang-hiyang raw siya sa aktor dahil starstruck siya dito. Pero ginawa naman daw ni Carlo na maging komportable siya.

Wala raw sapawan na nangyari sa mga scene nila kahit pareho silang magaling na artista.Mapagbigay raw na aktor si Carlo. Nagpapaubaya raw siya pag moment na ni Lovi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.