Abante Tonite Interactive

Lovi ‘di atat sa kasal

0 168

Para sa bida ng “The Annulment” na si Lovi Poe, naniwala siya sa kasagraduhan ng kasal. Dream din niya na ibigay ang kanyang “I Do” sa tamang lalaki.

Gayunpaman, hindi raw siya ‘yung tipong nagpapa-pressure para matali o basta na lamang magpapakasal para sumunod sa tradisyon o anumang idinidikta ng lipunan.

“I think, marriage is only an option for me. I don’t want to get married because society tells me to. At the end of the day, you’ll be the one who’s going to be in a relationship. You’re the one who’s gonna be living your life with the other person. So, that’s why, I feel like you have to make the right choice before committing yourself to someone. You could get married anytime you want whether you’re 50 or 60, but I’d rather do go to the search until 60 to find the right person than get married to the wrong person when I’m 30.When you probably find the right person, that’s the time,” aniya.

Happy si Lovi sa kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe. Isa itong film producer, medical scientist. Enjoy siya sa kanilang relasyon na walang pressure.

Mapapanood si Lovi sa relationship drama na “The Annulment” na maraming love scenes kay Joem Bascon.

Mula sa direksyon ni Mac Alejandre, showing na ang pelikula simula sa Nobyembre 13. (Archie Liao)