Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi ‘di mapapahiya sa Hollywood movie

0 264

Ang tall and dusky actress na si Lovi Poe, umariba in a major, major way dahil hindi lang siya basta supporting role, kundi bida siya sa isang international movie.

Mala-“Bodyguard” ni the late great Whitney Houston at Kevin Costner ang pelikula ni Lourdes Vriginia. May pamagat itong “The Chelsea Cowbay.:

Si Poe ang magbibigay buhay sa katauhan ni Dana Gillespie na isang British blues singer at si Alex Pettyfer ay si John Bindon na gaganap na “security” ni Gillespie sa Ben Cookson directed motion picture.

Hindi pwedeng i-the WHO si Pettyfer lalo na nga’t everybody remembers him sa mga pelikulang “I Am Number Four”. “Endless Love”, “Magic Mike”, at sa isang scifi mini-series, ang “The Land.”

Hindi na nagtataka ang diva that you love kung bakit napunta kay Lovi ang katauhan ni Dana dahil sa vintage black and white photos ng blue singer, may ilang kuha na hawig sila ni Lourdes at may natural oomph at sexiness ito na alam naman nating sangrekewa ang ating pambatong Pinay sa aspektong yun, huh!

Mabuhay ka! Mahusay ka, Lovi Poe. Maning-mani mo ang pagiging Hollywood star. Siguradong hindi ka mapapahiya sa proyektong ‘yan.

Rhian sosyal na ‘bombera’

SM food to go Banner Ad

Nagkakagulo ang mga totoong barako at sa bagong paandar ni Rhian Ramos. The WHO si Rhian? Ay! Ang savage niyo sa kanya my TONITE readers pero siguradong pagnasilayan niyo ang kanying baking my favorite cookies photos, mawawala ang selective amnesia niyo, huh!

Sa kanyang IG page, almost 300K views na ang larawang in full display ang kanyang sexiness. Isang malaking scarf na nakatali sa likod ang kanyang pang-taas at black panties naman ang kanyang saplot pang-ibaba kaya naman ang mga hombre happy fiesta. Baking cookies has never been captured in a photo this hot ang common appreciation para sa aktres na ang paandar eh talaga namang nakakapagpataas ng libido .Nagpangalit din sa mga ugat-ugat ng mga tunay na Pinoy macho papa.

Kung bakit napagtanto ni Ramos na she will create a stir while baking a black panty at big scarf, tagumpay na tagumpay ka girl. Handa na talaga si Rhian na bawiin ang kanyang aandap-andap na estrella with this payanig.

Sa true lang, may earthiness at sensuality ang mga larawan ni Ramos kaya pumatok sa balana, dabarkads at madlang pipol na siguradong hindi napigilang magpaputok , huh!

Bigla tuloy marami ang naging mausisa kung ano ang next big TV at film project nito at ang mga kalalalkihan, handang-handa na siya ay sambahin at pagnasaan lalo na kung bolder at daring path ang kanyang tatahakin para sa pag lagablab ng kanyang karera.

In fair Verona to Rhian Ramos, sossy bombera siya kung saka-sakali.

Leave A Reply

Your email address will not be published.