Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi ‘di pa tatawid sa Dos

0 158

NI: ROLDAN CASTRO

Wala pa ring diretsong sagot si Lovi Poe kung iiwanan na niya ang GMA-7 at tatawid sa Kapamilya network.

“Well, everything is under negotiation so, we’re still having conversations,” deklara niya sa Face to Face presscon ng pelikulang “The Other Wife.”

Ayaw pa rin niyang magbigay ng detalye bilang respeto raw sa dalawang network. Pero, malinaw na parehong may nagaganap na usapan ang kampo niya sa ABS-CBN at sa Kapuso network.

Anyway, nakipagtalbugan si Lovi kay Rhen Escano sa mga mapangahas at matitinding love scene sa “The Other Wife”. Kabugan sila sa maiinit na eksena kay Joem Bascon.

Mula ito sa direksyon ni Prime Cruz.

SM food to go Banner Ad

Kakaibang sexy-thriller film ito na may global premiere sa July 16. sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Ano ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Marami ka nang nasaksihan na mga pelikula tungkol sa pagtataksil. Pero, magbabago ang tingin mo sa baliw na pag-ibig sa The Other Wife.

Ang ‘The Other Wife’ ay tungkol kay Janis (Lovi ) at Ronnie (Joem ), ang mag-asawang gustong ayusin ang kanilang pagsasama.

Nagbakasyon sila sa kanilang beach house. Darating naman si Luisa (Rhen Escaño) , kababata ni Ronnie. Sa unang araw pa lang nila sa beach house ay may mga kakaiba ng pangyayari, gaya ng isang babaeng nakikita ni Janis na hindi naman niya kilala. Napapansin din ni Janis na parang may ibang gumagamit ng kanyang mga gamit gaya ng hairbrush at sabon. Pero, pinipilit ni Ronnie na sila lang talaga ang tao roon. May kasama ba silang ibang babae sa bahay na pilit inililihim ni Ronnie?

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net para mapanood ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.