Abante Tonite Interactive

Lovi, Grace walang away

By
578

tonite-imo-vinia-vivarPinatunayan ni Lovi Poe na wala talaga silang gap ng kanyang ateng si Sen. Grace Poe sa napaka-sweet na birthday message niya para rito.

Sa nasabing mensahe ay ipinahayag ni Lovi na si Sen. Grace raw ang na­ging father figure niya nang mamatay ang ama nilang si Fernando Poe, Jr.

“It’s so true what they say, that death ends a life, not a relationship. When Papa passed away, you became my father-figure big sister, even if I was shying away from it. I may not say it often nor show it, but you filled the gaps in my life only you can fill. ♥ Happy Birthday, Ate! I love you,” ang nilalaman ng birthday message ni Lovi sa kanyang kapatid last Thursday.

Kasama ng mensahe ng aktres ang mga larawang kuha mula sa 50th birthday celebration ni Sen. Grace held last Monday night na dinaluhan din ni Coco Martin.

Noon pa ay iniintriga parati ang relasyon nina Lovi at Sen. Grace at marami ang nagtatanong kung talaga bang close sila kahit na nga ba laging sinasabi ng aktres na okay sila at mahal na mahal niya ang kanyang ate.

Matatandaang lagi ring nakasuporta si Lovi sa political campaign ni Sen. Grace sa tuwing tatakbo ito.

 

Shine napagod sa kampo ng ex

 

Naglabas ng galit si Sunshine Cruz sa mga resibong lumabas na nagpapatunay diumano na nagbibigay ng sustento ang estranged husband na si Cesar Montano sa kanilang mga anak.

Sa Facebook account ng Tres Marias nai-post ang mga nasabing resibo na iba-iba ang date at halaga. Mga resibo ng tuition fees at may tseke rin.

Nilinaw ni Sunshine sa kanyang Facebook account na hindi account ng mga anak niya ang Tres Marias at naglitanya sa kapatid ni Cesar.

“Posting receipts from year 2005 (got separated year 2013) onwards ba talaga ang batayan ng pagiging isang responsable at mabuting magulang?

“Really now?! Gumawa pa talaga kayo ng fake account ng kids ko to spread these receipts. And look who’s name is tagged? Maria Mercedes AGAIN! Si sister na naman ni ex! 2018 na madam! Di ka parin talaga maka move on!

“A piece of advice, ins­tead of getting angry and ranting on your social media eve­rytime your brother tries to see his children from me(Jan 2,2018 if my me­mory serves me right was the last time he saw the children at nagwala ka sa fb mo nung makita mo photos nila!) subukan mo ding mag advice na magpakatatay sya minsan.

“Don’t worry, hindi naman aagawin ng mga bata sa inyo si ex. Tanda na natin! Baka pwede mag move on at magbago na for the better. Nakakapagod na din talaga kayo promise!

“As far as I know naka file ito, naka lock at iisa lang ang may hawak ng documents. This wouldn’t be out if my EX did not allow this to be posted!” ang kabuuan ng post ni Sunshine kalakip ang mga larawan ng na-post na resibo.

Isa pang post ni Sunshine ay nagsasaad ng “Sometimes, you have to do what you have to do in order to be heard. We waited for years! Patiently and quietly. I am doing this not for myself but because I know what the children deserve.”

Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Cesar tungkol sa mga post na ito ni Sunshine.