Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi hindi kawalan sa GMA

0 893

Parang hindi naman nag-aalala ang pamunuan ng Kapuso pamunuan pagiging ABS-CBN artists umano nina Lovi Poe at Sunshine Dizon.

Putok na putok na ang chika na ang dalawa sa estrellang aktres sa Kamuning ay go for gold na para sa kanilang career growth at papapalaki sa kanilang fan base sa no prangkisa network.

All set na raw si Dizon na makasali isang palatuntunang drama na pagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Take note si Avelino ay dating StarStruck avenger na mas naging major, major star at award winning actor pa man din nung tumalon ito dati sa Mother Ignacia network.

Si Gutierrez naman ang isa sa netizens top choice na maging querida sa much hyped “Dr.Foster” Philippine Adaptation. Marami rin ang nagsasabing magiging isa sa pangmalakasang bagong reyna si Janine sa network na matagal na talaga siyang nililigawan para maging Kapamilya.

Ano ang magiging kapalaran nina Sunshine at Lourdes Virginia sa network na pangmalakasan ang digital at online presence? Pero aandap-andap pa rin ang fuerza sa mga free TV channel na pinagtatanghalan ng kanilang mga programa sa kasalukuyan?

Kung mararating ni Dizon ang Sylvia Sanchez, Cherry Pie Picache at Dimples Romana level bilang Kapamilya, worth it ang kanyang pagsugal lalo na nga’t 25 years siyang naging Kapuso. Ang dapat sigurong tanungin, siya ba ang umayaw sa kontrata o talagang walang ini-offer na bago sa kanya?

Si Lovi, kung magiging kaliga niya sina Angel Aquino, Irma Adlawan, Jodi Sta. Maria at Iza Calzado sa Dos, hindi imposibleng mangyari. Puwedeng pang bida-kontrabida ang dilag at kaya rin nitong magpaka-bold and daring. Walang masyadong versatile actress sa mga taga-Kapamilya dahil karamihan sa kanila ay “ikinahon” sa imahe na pasang-pasa sa panlasa ng mga panatiko at sumusuporta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pag sina Lovi at Sunshine ay mas niyaka ng mga Kapamilya at naramdaman ang kanilang estrella powers, dapat na talagang kabahan ang pamunuan ng mga taga-Kamuning dahil hindi lang sampal, tadyak sa kanila ang katotohanang ito.

Vice binubuyong magdemanda

Humingi ng tawad ang dalawang vloggers kay Vice Ganda. Gumawa kasi ng mga kahindik-hindik na kuwento at scenario ang dalawang baklang vloggers.

Hindi ako sigurado kung ano ang ginawang pagratrat ni Awra Briguela sa mga baklang pusali dahil siya ang ginamit sa nakakahibang na chikahan.

Kung ano naman ang magiging reaksyon ni Ion Perez na gamit na gamit rin sa pangyayari, nasa kanya na kung papatawarin niya ang mga ito. Kung balak naman niyang bigwasan o kutusan man lamang, hindi ko aalisin sa kanya ang karapatang pisikalin ang mga baklang pusali.

Si Queen Bayot Vice Ganda na sandamakmak ang bumubuyo na idemanda ang mga maricon na ang mga hinabing kuwento ay mapanira at nakakasakit ng damdamin? Na kay Jose Marie na kung gusto niyang gawing legal na usapin ang kaganapang ito.

Kung mapapatawad ni Ganda ang mga baklang bagsak sa mabuting asal at tamang pag-uugali,ipinapakita niya lamang kung bakit talaga siya kahanga-hanga. As the saying goes, “to err is human, to forgive, divine” nga naman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.