Abante Tonite Interactive

Lovi hindi nag-toothbrush sa tikiman nila ni Tom

3,332

HINDI pa pala nababasa ni Lovi Poe ang script nila, umoo na agad siyang maging kasali sa The Significant Other kasi, “It’s a Joel Lamangan film. Who says no to a Joel Lama­ngan film, tapos, I get to work with Tom again and si Erich.”

Naging kontrobers-yal sila ni Erich dahil sa isang matinding eksenang may bonggang-bonggang samapalan.

Kuwento ni Poe, “Wala ka naman pwedeng i-prepare sa sampalan. You do it, or you don’t. Eh kay Direk Joel ito, so bawal ang daya. Hahahaha. When you do a cat fight, every moment is a surprise, kaya go with the flow lang kami. We were carried away kami kasi we were playing our characters, pareho kaming may pinaglalaban. Ang importante kasi lagi na as actors, you play for truth para maramdaman ng mga audiences. You cannot fake it, ‘pag you are in the moment na, go! Si Direk Joel nga, masyadong nag-enjoy sa eksena namin ang tagal nga bago siya nag-cut. Hahahaha.”

Dahil nga siya ang favorite fake wife ni Tom, minsan, ‘pag may love scene sila, binibiro niya ito na, “Sinasabi ko sa kanya na hindi na ako nagsipilyo ha, kasi sanay ka na sa akin. O kaya, diet ako today, ‘wag ka mag-toothbrush para naman matikman ko ang samporado na kinain mo. Hahahaha.”

At dahil nga tungkol sa pagtataksil ang pelikula, tinanong namin si Lovi kung bakit nga ba nagtataksil ang mga la­laki? Without batting an eyelash, ang pangabog niyang sagot, “Men cheat because they are horny, women cheat when they are unhappy.”

May ex-boyfriend rin pala siyang nagtaksil. Salaysay ni Poe, “We girls, we immediately know it, ramdam mo talaga women’s intuition, tapos naririnig mo na ‘yung heart beat mo, ay naku. Am I speaking from experience? Hahaha. Ang mga lalaki, even if you confront them, they always deny. ‘Di ba, may kuwento pa na kahit mahuli mong magkapatong na nga, deny pa rin sila. Hahahaha. Yes, painful pag pinagtaksilan ka pero that’s life, it happens. Pag alam na alam mong your boyfriend is a two-timer, you just leave. You deserve better, I deserve the best.”