Abante Tonite Interactive

Lovi hinog na ang hubog

390

Back to normal si Lovi Poe dahil nasa Pilipinas na ulit. Matagal din ang bakasyon niya sa Amerika.

Umariba naman ang Kapuso artist sa pagbalandra ng kanyang mga daring shot sa Instagram.

Si Lovi lang yata ang natatanging Pinoy female star na may lakas ng loob na mag-post sa social media nang naka-panty at bra lang.

Siya rin ang isa sa mga aktres na napaka-adventurous na magsuot ng iba’t ibang body revealing gowns.

Hinog na hinog na ang hubog ng kanyang katawan. Napaka-liit ng body frame nito na syang gustung-gusto ng mga fashion designer. Hindi na pu-problemahin pa ang malaking alteration sa kanilang creation.

Anyway, walang a­nu-mang ibinibigay na impormasyon si Lovi sa matagal niyang pananatili sa Amerika. Mukhang namumulaklak ang lovelife nito sa isang foreigner. Marahil ito ang nagbibigay glow sa kanyang aura. (Rey Pumaloy)