Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi hinulaang bagong hiyas ng Kapamilya

0 78

NI: VINIA VIVAR

Matagal nang lumulutang ang tsismis na lilipat na si Lovi Poe sa Kapamilya pero nitong mga nakaraang araw ay lalong umingay ang balita lalo na nga kahapon nang maglabas ng bagong teaser ang Dreamscape Entertainment.

Sa nasabing teaser ay nakasaad na “A precious jewel finds a new home.” May nakalagay ding 09.16.2021 na obviously ay petsa.

Makikita rin sa ibaba ang hashtag na #JustLove na ang letter “e” ay iba ang kulay kaya sa malayo ay mukhang “JustLov.”

Sa caption naman ay mababasa ang announcement na “Mark your calendars! 09.16.2021. 💎❤️💙💚 #JustLove.”

Iisa ang hula ng netizens sa ibig sabihin ng teaser. Para sa marami, ito ay kumpirmasyon ng paglipat ni Lovi sa ABS-CBN.

“Lovi Poe! Good desicion. I guess she’s included in Piolo’s upcoming teleserye Dear God. Maybe she’s the leading lady. She couldn’t decline it,” komento ng isang netizen.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“It’s Lovi Poe,” pagkumpirma naman ng isa pa.

“Si Lovi Poe yarn 100% sure ako!!! Excitedddddd here!!!” reaksyon naman ng isang fan.

“Lovi poe yan, tignan nyo yung letter E hndi bold, LOV lang yung bold,” sey naman ng isa pa.

Halos lahat ng nagkomento ay Lovi Poe ang hula nila.

Matatandaang sa huling panayam sa aktres ay wala siyang ibinigay na kumpirmasyon at aniya, under negotiations pa ang lahat.

“Right now, it’s hard to say. Everything is under negotiations. I’ve just finished my show. We’re still having the conversation,” ang pahayag ni Lovi kamakailan sa isang panayam hinggil sa issue ng paglipat.

Well, abangan na lang natin ang announcement sa Sept. 16 kung sino ba talaga ang bagong Kapamilya na tinutukoy ng Dreamscape.

Leave A Reply

Your email address will not be published.