Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi, Janine agawan sa tapal baklas-litrato

0 281

Nagkakaroon ng pustahan ang mga mosang at mga marites kung sino raw kaya ang ipapalit ng ABS-CBN sa nabakanteng slot ng binaklas na photo ni Bea Alonzo sa hallway ng network.

Agree naman ang karamihan na karapatan ng ABS-CBN management na ipabaklas ang larawan ng dating Kapamilya actress lalo pa’t after twenty years ay nag-ober da bakod na ito sa GMA-7.

Palaisipan ngayon kung sino ang ipapalit sa tronong nabakante ni Bea.

Dalawang pangalan daw ang pinalulutang ng mga liga ng mga mosang.

Kandidata raw dito sina Lovi Poe at Janine Gutierrez.

May mga nag-react namang mas bet nilang pumalit kay Bea ang dating primera aktresa ng GMA-7 na si Lovi Poe .Lalo pa’t ang makakatabi niya kung sakali ay ang prized talent ng network na si Papa P. na incidentally ay leading man niya sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang “Flower of Evil.”

May mga nagprotesta namang hindi pa deserved ng dalawa ang mapasama sa ala Hall of Fame ng network dahil hindi pa nila napapatunayan ang kanilang loyalty sa network.

Posible rin daw magprotesta lalo na iyong mga loyal at solid na Kapamilya pa sa network sa loob ng mahabang panahon.

Hirit naman ng iba, kung kalibre ang pag-uusapan , hindi rin daw ka-level ni Bea ang dalawang aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.