Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi, Janine game sa ‘pompyangan’

0 55

Inaabangan na ng mga manonood ang kakaibang kuwento ng dalawang babaeng nagmamahalan sa “Sleep with Me,” ang pinakabagong serye sa iWantTFC na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Janine Gutierrez.

Ito ay matapos ang matagumpay na world premiere ng serye sa 40th Outfest LGBTQ+ Film Festival sa Los Angeles noong Hulyo 19, kung saan nanalo ito ng Audience Award for Best Episodic at sold out din ang tickets para sa premiere na dinaluhan nina Lovi at ang direktor ng serye na si Samantha Lee.

Umiikot ang “Sleep with Me” kay Harry (Janine), isang naka-wheelchair na late-night radio DJ at eksperto sa love advice, at kay Luna (Lovi), isang babaeng may sleep disorder na hindi nakakatulog tuwing gabi.

Bukod sa nakakakilig na relasyon nina Harry at Luna, bibigyang-diin din ng serye ang mga social injustice na nararanasan ng mga taong may kapansanan at ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

“I think Janine and Lovi’s characters both have their own set of issues that they deal with, that makes them excluded from society at large. It’s about people’s stories that don’t get told a lot,” deklara ni direk Samantha, na kilala rin sa mga queer films niyang “Baka Bukas” at “Billie and Emma,” sa isang interview noon.

“The story is really something that I don’t think has been shown in the Filipino setting. I’m so excited for people to learn more about this topic and alam kong madaming makaka-relate. And at the core, it’s a love story na talagang you’ll get attached to and it will make you feel things,” dagdag naman ni Janine.

Tinanong sina Lovi at Janine sa mediacon ng ‘Sleep with Me’ kung niligawan na ba sila ng lesbian?

Sagot nila ay hindi pa.

Pero paano nila iha-handle pag pormahan sila ng tibo? Game ba sila sa ‘pompyagan’?

Walang nakikitang masama si Lovi kung doon liligaya. Kumbaga, walang mali sa lesbian relationship dahil love is love in any form.

Kung ang isang relasyon daw ay magpapasaya at magiging mabuti kang tao sa taong ‘yun,push.

Agree naman si Janine lalo na nu’ng makita niya ang karakter at relasyon nina Luna at Harry. Bakit naman daw hindi kung happy ang ending.

Anyway, sa panahon ngayon hindi na tinitingnan ang gender kundi kung anong klaseng tao ang magpapaligaya sa ‘yo .

Anyway, mapapanood nang libre ang anim na episodes ng “Sleep with Me” sa Agosto 15 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.