Abante Tonite Interactive

Lovi, John Riel ‘kinasal’ sa eroplano

6,868

Agaw-pansin ang naka-post na larawan sa social media na magkasama sina Pinoy bo­xing champ JohnRiel Casimero at sexy actress/model Lovi Poe.

Makikita kasing masayang nagpa-picture ang World Boxing Organization bantamweight champ at ang aktres habang magkatabi sa eroplano.

Sa Twitter post ni sports columnist/analyst-TV commentator Joaquin Henson sa account niyang @TheDeanQuinito nakasaad ang: “Guess who was WBO bantam champ JohnRiel Casimero’s seatmate on the PAL flight to LA last night?”
‘Di naman ito nakaligtas sa pagpuna, komento at sagot ng ilang netizen.
“Lovi Poe,” agad na sagot ng isang @gina_magy.

Pabiro naman itong sinundan at sinabi ni @DJunry: “Congrats, actually matagal na sila, plan na nila magpa­kasal after the fight.”

Sinakyan naman ang nasabing biro at babala ni @jhette007: “Lagot kay Daking si Casimero.”

Bumiyahe si Casimero sa Miami para mag-ensayo bago magtungo sa Las Vegas kung saan nakatakdang makipagbangasan ng mukha kay super World Boxing Association/International Boxing Federation king Naoya ‘The Monster’ Inoue ng Japan sa darating na Abril 25 sa Mandalay Bay. (Aivan Episcope)