Abante Tonite Interactive

Lovi, Katrina, Miguel emosyonal sa eulogy

3,415

NAGING emosyonal sina Katrina Halili, Miguel Tanfelix, Lovi Poe at iba sa eurology para sa yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes sa Loyola Memorial Chapels.

Ang mga nabanggit ay ilan lang sa mga GMA stars na nagbigay ng kanilang mensahe sa kung paano nila natatandaan ang nasabing award-winning TV & Film director.

Halos hindi mapatid-patid ang luha sa mga mata ni Katrina habang inaalala niya ang mga masasayang araw noong nabubuhay pa ang naturang direktor.

Mabigat para kay Katrina ang pagkamatay ni Maryo dahil sa lalim ng kanilang pinagsamahan.

Ayon sa aktres, madalas sabihin sa kanya ng direktor na mahal na mahal niya ito.

Hindi rin napigilan ni Miguel ang pagluha sa pagkakaroon ng malasakit sa kanya ni Direk Maryo, na ayon sa kanya ay malaki ang naitulong sa kanyang karera.

Bago pa pumunta sa wake si Lovi ay umiiyak na ito.

Ikinuwento ng aktres na napanaginipan niya si Direk Maryo na iyak nang iyak. Nagising daw siyang umiiyak.

Marami raw natutunan si Lovi kay Direk Maryo sa pakikipagtrabaho niya rito sa kanilang TV series sa Kapuso network.

Bilang matagal nang kaibigan sa industriya ni Direk Maryo ang scriptwriter na si Senedy Que, hindi rin napigilan ang pagluha nito sa huling bahagi ng kanyang speech.

Hindi man kasali sa programa, iyak naman nang iyak si Andrea del Rosario sa isang sulok katabi ang kanyang kasintahan.

Laging puno ng tao ang ilang gabing lamay, isang pagpapatunay kung gaano kalaki ang naipundar na pagkakaibigan at legacy ni Direk Maryo sa industriya.

Ruru Madrid pinag-aagawan na mahawakan

HINDI pa naihahatid sa huling hantungan ang labi ng yumaong si Direk Maryo J. delos Reyes, pinuputakti at pinag-aagawan na ng mga talent manager si Ruru Madrid. (Hindi ba nila alam na haharangin ‘yan ni Joe Barrameda?-ED).

Ayon sa aming source, ilang mga talent mana­gers na ang nagparamdam ng interes na i-manage nila ang showbiz career ng young actor.

Pero, ang priority ng mga alaga ni Direk Maryo ay maiayos muna ang labi nito. Kailangan ding kausapin ng team ni Ruru ang GMA na siyang co-manager ng yumaong filmmaker.

Isa pa hanggang 2019 pa ang kontrata ni Ruru sa GMA. May option pa sa renewal na panibagong limang taong management contract.

Ibig sabihin, masusing pag-aaralan muna ng grupo ni Ruru ang posisyon ng kanyang karera bago sila mag-consider ng bagong manager.