Abante Tonite Interactive

Lovi keri ang long distance relationship

192

Hindi naman daw gaanong hirap si Lovi Poe sa long distance relationship nila ng kanyang boyfriend na si Montgomery Blancowe, who is a British film producer at medical scientist at US-based.

Ayon sa sexy actress, constant naman daw ang communication nila ng kanyang BF thru the internet. Kaya magkalayo man sila ay parang magkalapit din sila.

Wala ring problema si Lovi sa kanyang BF pagdating sa work niya bilang isang aktres.

Naiintindihan naman ng hombre ang trabaho niya bilang isang aktres. ‘Yung pagpapaseksi naman niya ay part ng work niya bilang aktres.

Aminado naman ang aktres na hindi pa nila napapag-usapan ng boyfriend ang tungkol sa kasal.

“I don’t know. We don’t talk about it. We’re just enjoying what we have now,” wika pa niya. “We enjoy each other’s company. We make sure that we are part of each other’s lives. Last August, I toured him sa beaches like Boracay. Na-meet na rin siya ng Mommy ko,” kuwento pa niya.

Samantala, ang pelikulang “The Annulment” ng Regal Entertainment ang unang project na ginawa niya pagkatapos mawala for a while dahil sa love life. Kasama ni Lovi sa “The Annulment” bilang leading man si Joem Bascon.

“It’s a highly relatable movie about people in a relationship. ‘Yung pinagdadaanan na challenges at trials ng kanilang relasyon, from courting, to decision to get married to honeymoon hanggang naging whirlwind romance, falling out and eventually, that painful decision to seek annulment,” deskripsyon niya about the movie na ipapalabas simula November 6 mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

Sarah G nalambing ni Ronnie

May taglay sigurong suwerte si Ronnie Liang kaya napapayag niya si pop star Sarah Geronimo na mag-guest sa upcoming concert niya sa Music Museum.

Personal na inimbita ni Ronnie si Sarah to be his special guest sa concert niya after pumayag ang mga Viva bosses niya sa idea that Sarah joins his show.

Si Boss Vic mismo ang tinanong ng male singer kung puwedeng mag-guest si Sarah. Payag naman si Boss Vic kaya nang mag-guest siya sa show ni pop star sa Iloilo ay tinanong niya kung pwede niya itong maging special guest sa concert niya.

Agad daw sumagot ng yes si Sarah sa kanya. Kaya sobrang tuwa ni Ronnie kasi ni hindi man lang nag-check ng kanyang sked ang sikat na mang-aawit. Bagama’t madi-disappoint siya had Sarah said no pero overwhelmed siya when the pop star agreed to do so.