Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi mabenta ang ‘Flower’

0 208

NI: Vinia Vivar

Hindi pala nakasama si Lovi Poe sa mag-asawang Dr. Vicki Belo and Dr. Hayden Kho sa Milan, Italy para sa Fendi event.

May nagparating sa amin na invited daw ng mag-asawang Vicki at Hayden si Lovi para sumama sa kanila sa Milan pero hindi naka-join ang aktres because of work at endorsement sa Bench.

Timing naman kasing nagsimula na ang second cycle ng lock-in taping ni Lovi ng serye niya sa ABS-CBN na Flower of Evil with Piolo Pascual.

Nag-post nga si Lovi sa kanyang Instagram account at aniya, “and just like that…back to lock in taping! BRB Manila.”

Samantala, in her past interviews ay naipahayag na ni Lovi kung gaano siya ka-excited sa Pinoy version ng hit Korean dramang Flower of Evil. Ginagampanan niya ang very challenging role ng bidang babae.

Ito ang first Kapamilya serye ni Lovi at ganito pa kalaking proyekto kaya naman super-happy ang aktres.

Aside from Piolo ay kasama rin ni Lovi sa Flower of Evil sina Joem Bascon at Kit Thompson.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang nasabing serye lalo pa nga’t mabenta at napakapositibo ng feedback sa inilabas na teaser ng Dreamscape Entertainment.

Leave A Reply

Your email address will not be published.