Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi mabenta sa foreigner

0 87

NI: ROLDAN CASTRO

Pak na pak ang bagong sexy pictorial ni Lovi Poe kasama si Janine Gutierrez. Grabe ang lagablab ng dalawang morena beauties. Body to body ang drama nila para sa endorsement pictorial nila.

Anyway, ibang klase talaga pag kayumanggi. Malakas ang appeal nito lalo na sa mga banyaga.

Kaya naman mabenta si Lovi at takaw-pansin simula nang ipalabas ang drama series niyang ‘Someone To Watch Over Me’ sa Uruguay, Peru, Ecuador, Kenya, at sa Kapuso international channel na GMA Life TV.

Nakakatanggap daw siya ng mga mensahe mula sa mga televiewer abroad, “I’ve been getting messages about ‘Someone To Watch Over Me’ since it was aired abroad pero hindi sila Filipino. They sent me direct messages saying how much they love the show,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.