Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi mapagbigay

0 50

NI: ROLDAN CASTRO
‘Locked-in’ Valentine’s Day ang mangyayari kay Lovi Poe at sa buong cast ng ‘Owe My Love’.

Naka-lock in taping kasi sila kaya hindi nila makakapiling ang kanilang mga partner.

Pero dahil sa technology ay makaka-konek naman sila sa kanilang mga dyowa.

Magiging memorable na lang V-Day ni Lovi dahil makakapiling niya ang whole team ng bagong Kapuso romantic-comedy serye na ‘Owe My Love’. Day –off nila kaya sila-sila na lang ang magce-celebrate.

Anyway, kakaiba ang role ni Lovi sa naturang serye.Isa siyang breadwinner na baon sa utang.Matuto kaya ang karakter niya na maging wais sa pera dahil sa finacial adviser na si Benjamin Alves?
Sa totoong buhay kasi masinop siya sa datung para sa sarili . Mas nagiging waldas nga raw siya at mapagbigay para sa mga mahal niya sa buhay.

Anyway, magsisimula na ngayong February 15 ang ‘Owe My Love’ sa GMA Telebabad. Makakasama ni Lovi sina Benjamin Alves, Ai Ai delas Alas, Nova Villa, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Kiray, Ruby Rodriguez at Leo Martinez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.