Abante Tonite Interactive

Lovi, nag-e-enjoy magpaboso!

154

HALOS hubad na si Lovi Poe sa sexy photo na pinoste niya sa kanyang Instagram account na kuha pa sa Europe last month, nu’ng um-attend siya sa wedding nina Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris.

Nakatayo na nakaharap sa dagat si Lovi, na ang suot ay red 2-piece bikini.

Sanay na ang mga followers ni Lovi, maging ng buong Pinoy showbizlandia sa kanyang paglalandi sa mga sexy bikini shot niya, pero ang red 2-piece back shot niya ang nakakaloka!

Nakabalandra ang singit ng ilalim ng puwet ni Lovi dahil bahagyang tumaas ang bikini niya na sumasapo sa bottom-behind niya.

Hubad na nga halos na matatawag si Lovi sa itsura niyang ito sa kakapirasong telang tumatakip sa kanyang likod. Kaya nga nag-fiesta talaga ang mga mata ng mga followers niya sa kaseksihan at alindog niya.

Obviously, hindi naman alintana ni Lovi kung nabobosohan na siya dahil sa kanyang caption ay ipinangalandakan pa niya na tuwang-tuwa siya sa kanyang red-swimwear.

“A bikini kind of life,” sey ni Lovi.

At siyempre, jackpot sa alindog ni Lovi nu’ng mga oras na ‘yon ang boyfriend niyang si Chris Johnson na kasama niyang nag-travel sa Europe.