Abante Tonite Interactive

Lovi nagsuot ng ‘kita-kaluluwa’

By
4,648

Mainit na ta­laga ang simoy ng parating na summer dahil hindi lang sa beach naghuhubad si Lovi Poe kundi kahit sa kanyang mga long gown.

Actually, lagi nang nakahubad si Lovi sa kanyang Instagram account.

Umeksena nga siya sa formal evening party sa Amanpulo, kamakailan. Kinabog ni Lovi ang lahat ng mga artista sa kanyang ‘kulambo’ long skirt mula sa two-piece long dress na suot niya sa nasabing okasyon. Ikinaloka ng mga co-star niya sa okasyon ang suot niyang ‘kita-kaluluwa’ o tinatawag na see through.

Meaning, panty kung panty lang ang drama ni Lovi sa formal dinner party.

Buti na lang at hindi see through ang top bra na suot ni Lovi. ‘Pag nagkataon, baka magtakipan ng mga mata ang ibang naroon.

Ibang klase rin naman sa pagiging fashionista si Lovi dahil walang pakialam na ipangalandakan ang kanyang kagandahan at kaseksihan.

Kapansin-pansin lang na hindi kasama ni Lovi ang American boyfriend niya sa okasyon. Madalas na kapag may mga ganitong special event na dinadaluhan ang aktres, lagi niyang escort ang kasintahang si Chris.

Tuloy may mga speculation na baka cool-off muna ang dalawa. Pero sa huling tsika namin sa aktres, sinabi niyang busy sila sa kani-kanilang mga career.