Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi nagulat sa video ng dyowa

0 171

NI: Vinia Vivar

Sobrang kinilig si Lovi Poe sa birthday video greeting ng foreigner boyfriend niyang si Monty Blencowe. Nagdiwang ng kaarawan ang aktres last Feb. 11. Hindi sila magkasama ng BF dahil nandito siya sa Pinas at napakaraming trabahong tinatapos.

In fact, Lovi spent her birthday sa set ng bago niyang seryeng Sleep With Me under Dreamscape Entertainment.

Gulat na gulat si Lovi nang ipakita ang video greeting ni Monty. Ayon sa BF, malungkot siya na hindi niya kasama ang girlfriend sa birthday nito. Pero happy naman daw siya na busy ang aktres sa mga projects nito na inisa-isa pa niya at suportado raw niya lahat.

Ayon pa kay Monty ay excited daw siya na makalipad na ulit ng Manila dahil 2 years na raw siyang hindi nakakapunta sa bansa. Pero ngayong maluwag na raw ay makakapunta na raw siya ulit sa Pinas para bisitahin si Lovi.

“I miss you a lot, I love you and happy birthday,” sey ni Monty.

“Oh my God! Grabe naman ‘to!” ang masayang masayang sabi ni Lovi.

Sey ng aktres, sobrang mahiyain daw ni Monty at ni hindi kayang mag-picture taking. Kaya naman super-touched siya na na-convince ito ng Magandang Buhay na mag-video greet.

Ayon kay Lovi ay sobrang grateful niya for having Monty na hinayaaan siyang mag-shine at gawin ang mga bagay na gusto niya.

“I’ve never seen or met anyone who wants to see me succeed. Alam mong suwerte ka sa buhay ‘pag may nakilala kang tao who will lift you up and want to see you shine,” sey ni Lovi.

Samantala, bukod sa katatapos lang gawin ng aktres ang Sleep With Me, malapit na ring umere ang first Kapamilya teleserye ni Lovi na Flower of Evil with Piolo Pascual.

Kabi-kabila rin ang endorsement ni Lovi and in fact, she just had a photoshoot in Panglao for Bench Body.

Leave A Reply

Your email address will not be published.