Abante Tonite Interactive

Lovi nangabog sa rampahan

473

Allan Diones

Kababalik lang ni Lovi Poe ay nangabog na agad siya nang rumampa siya sa MEGA Equality Ball sa Sofitel Manila nu’ng Wednesday night kasabay ng selebrasyon ng Philippine Independence Day.

Si Lovi ang nag-top sa listahan ng mga Best Dressed Women nu’ng gabing ‘yon dahil sa kanyang couture jumpsuit na may crystal embellishments and dramatic ruffles na gawa ni Andrea Tetangco.

Paglakad pa lang ng 30-anyos na Kapuso actress sa red carpet ay na-capture na niya agad ang atensyon ng lahat sa kanyang dramatic outfit.

Panay ang bati kay Lovi ng “Welcome back!” ng mga nakakita sa kanya roon sa Ball.

Isa sa mga natuwa pagkakita sa kanya ay ang close friend niyang si Heart Evangelista kaya nag-picture ang mag-beshie.

Dumalo muna sa TernoCon exhibit ng Bench sa Megamall si Lovi, tapos nu’ng gabi ay um-attend siya sa MEGA Equality Ball.

Nu’ng isang araw lang dumating si Lovi at may pa-welcome home sa kanya ang family niya. Nag-request siya sa mom niya na ipagluto siya ng sinigang dahil na-miss niya ang lutong Pinoy.

Galing ng LA at NYC si Lovi at ilang buwan din siyang nag-stay sa Amerika. Mukhang may secret project siya na ginawa roon kaya ang tagal niyang nawala.

Bongga ang comeback event niya dahil kabogera siya sa yearly fashion event ng MEGA.

Pasok din sa listahan ng Best Dressed that night si Heart Evangelista-Escudero na naka-sequined role gold dress with thigh-high slit na gawa ng favorite designer nito na si Mark Bumgarner.

Ka-join din sa list si Catriona Gray na gandara sa figure-hugging rose gold gown nito na gawa ng paborito nitong designer na si Mak Tumang.

Standout din si Nadine Lustre sa sheer sequined Neric Beltran dress nito at si Iza Calzado na naka-body-hugging silver dress.

Agaw-eksena rin sa red carpet ang sequined gold gown ni Vice Ganda na gawa ni Neric Beltran.

Sa male celebrities ay standout si James Reid na naka-tuxedo at ang kaliwang braso ay naka-cast in gold.

Napansin din sina Sam Concepcion, Erik Santos, Alex Diaz (na may pakpak ang outfit), Jake Cuenca (na ka-date ang girlfriend nitong si Kylie Verzosa) at Ruru Madrid (na ang ka-date ay ang sister nitong si Rere at hindi ang rumored GF nito na si Bianca Umali).

Siyempre, si Heart ay escort ang husband niyang si Sorsogon Governor-elect Chiz Escudero.

Si Ogie Alcasid ang ka-date ni Regine Velasquez, si Coleen Garcia ay kasama ang hubby nitong si Billy Crawford, at si Richard Gutierrez ang escort ni Sarah Lahbati.

Dingdong mukhang
tito sa ‘StarStruck’

Never pa palang nakatrabaho ni Dingdong Dantes ang batikang aktor na si Eddie Garcia.

“Siyempre nakakalungkot dahil wala namang may gusto na mangyari sa kanya ‘yon. So ako, wala akong ibang gusto kundi sana, maka-recover siya kaagad,” sambit ni Dong nang matsika namin sa mediacon ng “StarStruck 7.”
Nanghinayang ba siya na hindi niya naka-work si Tito Eddie na nasa ospital pa rin ngayon at kritikal ang kondisyon?

“Maraming pagkakataon na pinag-uusapan namin, na nire-request ko na makasama ko siya and hindi ko pa rin bibitawan ‘yung pangarap kong ‘yon. Sana balang araw makatrabaho ko siya,” pakli ng Kapuso Primetime King.
Excited na naman si Dong na i-host ang bagong season ng “StarStruck” na nasubaybayan niya ang mga naging produkto, gaya ng first female winner na si Jennylyn Mercado na ngayon ay co-host na niya.

Sey ni Dong, dati ay Kuya ang tawag sa kanya ng mga contestant. Ngayon daw ay mukhang Tito na o puwede rin daw Daddy.

May tanggalan daw kaagad sa first episode ng “StarStruck 7” bukas. After “Daddy’s Gurl” ito kapag Sabado at after “Daig Kayo ng Lola Ko” tuwing Linggo sa GMA.

Joey hindi
pinalitan ni Jose

Nilinaw ni Jose Manalo na hindi siya ipinalit kay Tito Joey de Leon bilang “StarStruck” judge. Idol niya raw ito at senior ito.

Aware din siya sa mga nagsasabing wala siyang karapatang maging judge. Wala man siyang social media ay nakakarating daw sa kanya ang mga ‘yon at nakaka-degrade daw ito ng pagkatao. Hindi na lang pinoproblema ni Jose ang mga ito dahil marami na raw siyang problema.

Aminado ang komedyante na hindi siya maka-relate sa dalawa niyang co-judges sa “StarStruck” na parehong sosyalin at Inglisera.

Biro niya, hindi niya makampihan si Heart Evangelista dahil mataray si Ms. Cherie Gil. Pero hindi niya rin makampihan si Ms. Cherie dahil ang ganda raw ni Heart.

Si Jose ang taga-audition ng mga talent noon sa “Eat Bulaga,” kaya sanay siya sa trabahong ito. Sa kanya dumaan sina Rochelle Pangilinan ng SexBomb at marami pang iba.

This Saturday na, June 15, ang simula ng sikat na reality-based artista search ng GMA.