Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi palaban sa kabit

0 195

NI: ROLDAN CASTRO

Nag-iwan ng marka ang katatapos na ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ nina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Winwyn Marquez.

Bagamat nanibago sa pagbabalik-trabaho at sa new normal taping, masaya si Lovi dahil nakatapos sila ng isang magandang proyekto.

“The sense of fulfillment after ng buong taping, talagang you just can’t beat that feeling everytime nakatapos ka ng proyekto,” lahad niya.

Maraming netizens ang humanga at naka-relate nu’ng kinumpronta ni Samantha (Lovi) si Ysabel (Winwyn), ang mistress ng kanyang asawang si Luis (Tom Rodriguez). Palaban sa kabit si Lovi. Kaya niya itong ratratin at bigyan ng tatak FPJ na suntok.

Post ng isang netizen, “That ELEVATOR SCENE!! YALL!! Ramdam ko yung tindi ng emosyon sa salita pa lang. This confrontation scene doesn’t have to be violent or what, SALITA PA LANG PATALIM NA!”

Samantala, nagi-enjoy si Lovi ngayon sa piling ng kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe.

Huling post niya sa Instagram ay nagtatampisaw siya sa Surf and Sand Resort sa Coast Hwy, Laguna Beach California.

“A summer retreat all year long,” caption niya.

Right now, long distance relationship muna ang dalawa. Hanga naman ang netizens sa katatagan ng kanilang relasyon.
“Salute to this relationship kahit LDR. LDR isn’t that easy,” reaksyon ng fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.