Abante Tonite Interactive

Lovi, pasabog ang KAKIKAYAN

Lovi Poe
8

GARANTISADONG 100% non-stop entertainment ang family comedy for all ages ng Regal movie na Woke Up Like This starring Vhong Navarro & Lovi Poe.

Nang mapanood ang rough copy ng Joel Ferrer movie, ang lakas ng hagalpakan ng mga taong nakasaksi ng kalokohan ni Vhong at kakikayan ni Lovi.

Sumabasabay ang Regal sa mga uso ngayon sa mga millennial dahil ang titulo na Woke Up Like This ay nagmula sa malikhaing isipan ng millenials, huh?!

Abante Hiring – IT dep

Sa istorya, si Vhong Navarro ay si Nando, Hari ng Hardcourt at si Lovi Poe ay si Sabrina, Reyna ng Rampa.

Ang buwakaw sa basketball court at ang maldita sa rampahan, nagkapalit ng kasarian dahil sa hindi magandang ugali.

Riot ang mga eksena ng dalawa!

Nang mabaligtad ang mundo nila, sabog ang chemistry nila bilang comic tandem!

Lumabas din ang kakikayan ng iba pang female cast gaya nina Cora Wadell, Yana Assistio at Dionne Monsanto.

Kakabagan sa katatawa ang manonood!

Sina Joey Marquez at Bayani Agbayani, winner din sa eksenang naliligo ang huli habang pinanonood siya ni Vhong bilang Sabrina.

Unang comedy mo­vie ito ni Lovi pero naitawid niya ito. Tawag tuloy sa kanya ng writers ng mo­vie, LPJ o Lovi Poe Jr., huh! Natural comedian din ang nayamapang Action King, ‘di ba?!

Palabas na ang Woke Up Like This sa Agosto 23 sa mga sinehan sa buong bansa.