Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi, Piolo sinugalan ng Kapamilya

0 305

May pa-red carpet welcome para kay Lovi Poe ang network na hindi binigyan ng prangkisa.

Pati na rin sa tinagurian nilang the ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.

Magkakaalaman na kung may sapat pang magic sa Star Magic Kingdom para sa pagsikat ni Lourdes Virginia.

Kung magniningning ang bituin gaya kina Cristine Reyes, Iza Calzado o Angel Locsin, mga dating Kapuso na nagsakabilang bakod sa Mother Ignacia, palakpakan na may kasamang sigawan.

Huwag naman sanang ang kapalaran niya bilang Kapamilya ay pumantay sa naabot nina Ryza Cenon o heaven forbid ni Jewel Mische.

Masakit sa bangs at pride ni Bb. Poe na magiging major, major falling star pag hindi umariba ang kanyang karera sa Mother Ignacia.

Eh, si Pascual na kinulong na ang sarili sa pagiging lalaking ang kaya at pwede lang gawin ay magpalundag at magpatibok ng mga puso? At 40-something, Papa P must invest on roles that are relevant, out of the box at magpapaalala sa lahat na marunong at magaling siyang umarte. Hindi puwedeng gawing sandalan ang kisig, magandang pangangatawan at kaguwapuhan para masabing in the running pa rin siya sa pagiging dramatic actor.

Tanda niyo pa ba ang huling pelikula ni Ginoong Pascual na talagang pinabilib niya kayo sa sakdal husay niyang pag-arte? Yung latest niya na “My Amanda” na mapapanood sa isang international movie screening platform, naku maski sa Luna Awards hindi ito papansinin, huh!

Good luck kina Lovi Poe at Piolo Pascual. Naway maging matagumpay pagsusugal ng network sa inyong tambalan. Ang alas niyo naman eh household names na kayo, may kredibilidad at galing kaya tiyak na magiging mausisa ang madlang pipol sa mga paparating niyong payanig.

Toni hinamon sa mga biktima ng Martial Law

99 araw bago ang Kapaskuhan , number one trending topic pa rin si Toni Gonzaga.

Ayaw paawat ng pagti-trending ni Gonzaga dahil sa kanyang panayam kay dating senador Ferdinand Marcos Jr.

SM food to go Banner Ad

Ang latest hamon kay Mrs. Soriano, ay mula sa Ateneo Martial Law Museum. Hinihimok nila ang nanay ni Severiano Elliot na dumalaw sa museo at kapanayamin sa kanyang online programa ang mga nakaligtas na biktima noong may martial pa.

Sabi pa ng museo sa kanilang open letter para kay Gonzaga: “Hearing their stories and struggles will be much more inspirational for your audience than talking to anyone from the Marcos family.”

Circulated sa iba’t-ibang major online sites ang nasabing bukas na liham at panawagan para kay Gonzaga.

Ang tanong kakasa ba si Toni sa hamon at panawagan ng museo? O, mas pipiliin niyang huwag itong intindihin at ipangalandakan na wala siyang “kamalian” sa ginawa niyang panayam?

Isip-isip Mrs. Celestine Soriano. Pagnilayang mabuti ang panawagang ito

Liza cover sa French magazine

Muling itinaas ni Liza Soberano ang Philippine flag at pride.

Anong kaguluhan ito? Isa si Bb. Soberano na makikita sa pabalat ng isang international French magazine para sa big September fashion issue nito.

Three cover issue ang magazine na ang iba pang nasa pabalat ay si Emma Chamberlain, isang American YouTuber personality na 10.7 million lang naman ang subscribers at si Korean oppa at superstar Lee Jon Suk.

Para sa cover pictorial, super devastingly beautiful ang ating Liza in a Dior. Si Chamberlain ay Louis Vuittton at si Lee ay Prada.

Wow, with this fashion feat, na tiyak na may panayam pa at photo spread sa magazine, nakaka-proud ang katotohanan na ang ganda ni Liza Soberano ay worldwide ang acknowledgment at appreciation. Lalo na nga’t hindi sa pipitsuging babasahin makikita ang kanyang dakilang kagandahan.

More fashion shoots in the nearest future in other fashion bibles ang naway mag-feature sa kagandahan ni Binibining Soberano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.