Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lovi sabik umawra

0 44

NI: VINIA VIVAR
Halatang miss na miss na ni Lovi Poe ang umawra sa beach base sa kanyang latest Instagram post.

Nag-upload ang Kapuso actress ng kanyang throwback photo wearing a sexy swimsuit at sa background ay makikita ang napakagandang view ng dagat.

“Wishing I woke up to this view,” caption ni Lovi with matching hashtag na #takemeback.

Medyo matagal na ring hindi nakakapag-beach kasi si Lovi dahil sa kasalukuyan ay busy ito sa taping ng serye nilang Owe My Love with Benjamin Alves. They’ve been in a lock-in taping for quite some time now sa Bulcan at hanggang Marso pa sila rito.

Sa taping na nga nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Lovi last Feb. 11 pati na rin Valentine’s Day. Siyempre, walang ganap with foreigner boyfriend Montgromery Blencowe at aminado naman siyang nami-miss na niya ang dyowa.

“But I celebrated naman the last holiday season with him and his family,” sey ni Lovi in her recent interview.

Mahirap daw talaga ang long distance relationship but so far, they manage to make it work naman.

“I guess, since we both have our own careers, it gives us time to actually pursue our goals separately and together. So, parang ang dami naming nagagawa kapag hindi kami magkasama. At the same time, kapag magkasama kami, we get to support each other,” she said in another interview.

Leave A Reply

Your email address will not be published.