Abante Tonite Interactive

Lovi sinasamba ang kaseksihan

By
0 810

Mapa-isla, dagat, kama, gilid ng bangin, modeling o rampa, hindi aatras ang alindog ng anak ng nag-iisang Action King at tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino ang yumaong Fernando Poe Jr., na si Lovi Poe.

Muli, hinamon ni Lovi ang mga kasabayan niyang pa-sexy sa social media sa kanyang underwear ramp sa kakatapos lang na Bench Fashion week.

Nakaka-wow ang kaseksihan ni Lovi dahil sa hinulma niyang katawan na binanat nang husto sa work out at gym.

Abante Hiring – IT dep

Kung hindi nga kilala bilang Pinay actress si Lovi, aakalain mong isa siyang foreigner at international based actress-model.

Nakaka-insecure ang kaseksihan at ganda ng katawan ni Lovi, na mahirap sundan ng ibang mga nagdyosa-dyosahan sa kanilang mga sexy photo.

Mandirigma na punong-puno ng sex appeal at nakakapag-init sa litid ng mga manoy ang da­ting ng kariktan ng Kapuso actress.

Isabay mo pa ang kanyang toned body na nagsasabing tatagal siya sa kahit na anong klaseng wrestling sa kama.

Kahit sinong lalake ay sasambahin ang kagandahan at kaseksihan ni Lovi.

“Iibigin, mamahalin, aangkinin” ‘yan ang nararapat na deskripsyon sa pangalan at kagandahan ng isang Lovi Poe.