Abante Tonite Interactive

Lovi tameme sa tanong tungkol sa self sex

By
0 4,040

Tinanong si Lovi Poe, kung gaya rin ba ni Tom Rodriguez, na leading man niya sa The Significant Other, ay nag-init din siya sa mga maiinit na eksena nila.

“Mahirap pong mag-init sa love scenes dahil like I said po before, it’s not very sexy, doesn’t feel sexy, kasi ang daming taong nanonood, ang daming cameras, so ang dami mong iniintindi,” pakli niya.

Patuloy niya, “At saka hindi naman siya natural minsan, kasi may blocking po ‘yan. So iisipin mo sa utak mo kung kelan mo hahawiin ‘yung mukha, kelan mo gagawin ‘yung mga bagay. Tapos isa pa ‘yung pagtakip ng mga parte na hindi dapat makita. So,mahirap siyang makaramdam ng kahit anong bagay kasi nga, ang dami mong iniintindi. It’s not physically feeling something, e. It’s an emotional connection that you have with your partner. Like sabi nga ni Direk Joel (Lamangan), ‘pag sa sampalan scenes, hindi mo dapat pinepeke ‘yan. In a love scene naman, emotionally, you have to have that connection, eh. That’s when you’ll feel that it’s real.”

Sa pelikulang ginawa noon ni Lovi na The Escort ay marami rin siyang love scenes with Derek Ramsay. Ano ang mas mainit na love scenes, ‘yung sa kanila noon ni Derek o sa kanila ngayon ni Tom sa The Significant Other na showing sa February 21?

“It’s very different, kasi sa The Escort medyo wholesome ako rito. She just became the escort afterwards because of the situation. Pero this one kasi, mag-asawa sila, so iba ‘yung level of intimacy,” tugon niya.

Samantala, tinanong din si Lovi kung anong masasabi niya sa ibang babae na nagsi-self sex?

Natawa muna ang aktres bago siya sumagot. “That’s a very tough question. I don’t know what to say. I really don’t know what to say.”

Pero hindi niya ‘yun gagawin? Hindi niya gagayahin ‘yung iba?

Natawa muna ulit si Lovi bago siya sumagot, “I really don’t know what to say, eh because it’s like sarili na nila ‘yun, eh.”