Abante Tonite Interactive

Lovi tukso sa mga Adan

416

Tukso ang mga babaeng nagpu-post ng kanilang mga sexy photo sa Instagram gaya ni Lovi Poe.

Sa panahon ng tag-ulan at taglamig, hindi maiwasang hindi makaisip ng pagnanasa ang sinumang lalakeng makakasilip ng kaseksihan ni Lovi.

Sa lahat ng mga bikini post ng aktres, palaban ang Kapuso star na ipangalandakan ang kanyang model body.

Hindi simple ang mga bikini ni Lovi. Karamihan nito ay nag-i-engganyong magpantasya, maglaro ng kung anuman sa kanilang imahinasyon.

May mga kuha pa ang aktres na hubo’t hubad ito. Tuhod, binti, kamay, braso o buhok na lang ang tumatakip sa kanyang katawan.

Sa paningin ng iba, art ang tinatawag na nudity. Isang pagkilala sa nilikha ng Diyos.

Kaya nga sa European countries, ang nudity ay sinasamba sa mga museum dahil nagpapakita ito ng kagandahan ng isang nilalang na tao.

Ganito marahil ang paniniwala ni Lovi. Ang kanyang katawan ay hindi malaswa, hindi kahalayan dahil wala sa kanyang mga larawan na nagpapakita na may ginagawa siyang labag sa kanyang pagkababae.

Anyway, sa kabila ng mapangahas na kaseksihan, itinuturing siyang mapangahas na aktres at alagad ng sining. (Rey Pumaloy)