Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lowry gigisahin si Levert, Nets

0 183

INAASAHANG madali ring didispatsahin ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets sa first round ng playoffs.

Sa ikalawang sunod na season ay No. 2 sa East ang Raptors, kulang sa tao pero naigapang ng Nets ang mga panalo para selyuhan ang seventh seed.

Bentahe ng Toronto ang matchup ngayong season 3-1.

Problema ng Nets kung paano pipigilin sina Pascal Siakam, Kyle Lowry at Fred VanVleet, gayundin sina Marc Gasol at Serge Ibaka.

Walang Kyrie Irving, Kevin Durant, Spencer Dinwiddie, DeAndre Jordan, Wilson Chandler at Taurean Prince, walang nag-akala na papalaot sa postseason ang Brooklyn. Panggulo lang dapat sila sa bubble.

Pero iba ang plano ni Caris LeVert.

Pagbalik mula injury ni LeVert, umiskor siya ng 20 o higit pa sa apat sa huling limang laro. Sa kanya muli dedepende ang Brooklyn.

Sina Timothe Luwawi-Cabarrot, Tyler Johnson at Jeremiah Martin ang nakakatuwang niya. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.